Serbisyo sa Pangresidensyal na Home Phone

I-upgrade ang iyong telepono sa bahay sa AT&T U‑verse® Voice

Bakit magpapakabit ng U-verse Voice?

Ang AT&T U-verse Voice ay ang pinakabagong serbisyo sa digital home phone na walang katulad. Ang U-verse Voice ay nakakapaghatid ng de-kalidad na tunog at pagkamaaasahan, at nagbibigay-daan din ito na makontrol mo kung paano at kailan ka makikipag-ugnayan gamit ang higit sa 20 tampok.

Ang Pinagkaiba ng U-verse Voice

Sa U-verse Voice, makakakuha ka ng:

Higit sa 20 tampok sa pagtawag, kasama na ang mga matagal nang paborito tulad ng Caller ID, Call Waiting at Three-Way Calling.

Mahuhusay na advanced na tampok tulad ng Do Not Disturb, Locate Me, at AT&T U-verse® Voicemail.

Ang maginhawa, at web-based na pamamahala sa tawag ay nagbibigay daan sa iyo na walang-hirap na makontrol ang mga tampok sa pagtawag at account nang online.

Paano ito gumagana

Nagbibigay-daan sa iyo ang AT&T U-verse Voice na tumawag at makatanggap ng mga tawag sa pamamagitan ng iyong High Speed Internet na koneksiyon gamit ang mga kasalukuyan mong telepono. Maaari mong pa ring gamitin ang kasalukuyan mong numero ng telepono, o kaya ay humingi ng bagong numero.

Mga Madalas Itanong

Tingnan ang ilan sa mga pinakamadalas itanong tungkol sa serbisyong U-verse.

Maaari ko bang gamitin ang kasalukuyan kong numero ng telepono kapag nilipat ko online ang aking serbisyo sa telepono?

Oo, hangga't nasa loob ka ng iisang pangkalahatang lugar, maaari mong ilipat ang kasalukuyan mong numero ng telepono sa iyong bagong address.

Magkano ang mga singilin sa pang-internasyonal na long distance para sa mga pangresidensyal na customer?

Maraming magkakaibang singil, depende sa plan, bansa, o iba pang mga dahilan. Lilitaw ang partikular na buwanang singil at singil sa kada-minutong paggamit sa proseso ng pag-order kapag nag-order ka online.

Gaano katagal bago maikabit ang serbisyo ng AT&T sa bago kong address?

Umaabot ng humigit-kumulang limang araw ng negosyo (hindi kabilang ang mga weekend at holiday) pagkatapos mong mag-order bago magkaroon ng serbisyo sa telepono sa bahay sa bagong mong address.

Mayroon ba akong babayarang singilin sa pagpapakabit para sa bagong serbisyo?

Aalisin ang singil sa pag-install sa mga kwalipikadong bundle at mag-o-order ka online para sa serbisyo sa telepono sa bahay.

Kilalanin ang Pamilya ng U-verse

Ang AT&T U-verse® ay gumagamit ng fiber optic technology at computer networking upang paliitin ang iyong mundo.

TV

Advanced Digital TV

100% digital, may access sa mahigit 225 HD na channel at dumarami pa, at mayroon pang DVR na nagre-record ng apat na palabas nang sabay-sabay.

Dagdagan ang nalalaman tungkol sa Digital TVright arrow

Internet

High Speed Internet

Seguridad, proteksiyon, at kamangha-manghang bilis na nararapat sa iyo ­– kasama ng built-in na wireless home networking.

Alamin ang marami pa tungkol sa High Speed Internet ng AT&T.right arrow

 Voice

Digital Home Phone

Idagdag ang U-verse Voice para lalo pang mas sulit. Higit sa 20 tampok, kabilang ang voicemail at Caller ID na ipinapakita sa iyong U-verse TV screen.

Dagdagan ang nalalaman tungkol sa Digital Home Phoneright arrow

Buuhin ang ultimate U-verse package mo ngayon Tuklasin Ang Mga Bundle Ngayon

Ang tamang Voice plan para sa iyo

I-enjoy ang linaw at ginhawa ng serbisyo ng U-verse® Voice digital home phone.

AT&T U-verse Voice International

Voice International

MINUTES NG

UNLIMITED

Nagbibigay sa mga customer ng unlimited na pagtawag sa sinumang nasa U.S., Mga Teritoryo ng U. S. at Canada at mayroon din mga diskwento sa maraming bansa.

AT&T U-verse Voice Unlimited

Voice Unlimited

MINUTES NG

UNLIMITED

Nagbibigay ng unlimited na pagtawag sa loob ng U.S. at sa Canada, Puerto Rico, U.S. Virgin Islands, Guam, at Northern Marianas.

AT&T U-verse
Voice 200

Voice 200

200

MINUTES

Unlimited na pagtawag sa iba pang mga customer ng U-verse Voice, at 200 minutes ng anumang oras na pagtawag sa sinumang nasa U.S., Puerto Rico, U.S. Virgin Islands, Guam, at Northern Marianas. Maniningil ng 7¢ bawat minuto para sa mga karagdagang minutes

Kilalanin ang Pamilya ng U-verse

Ang AT&T U-verse® ay gumagamit ng fiber optic technology at computer networking upang paliitin ang iyong mundo.

TV

Advanced Digital TV

100% digital, may access sa mahigit 225 HD na channel at dumarami pa, at mayroon pang DVR na nagre-record ng apat na palabas nang sabay-sabay.

Alamin pa ang tungkol sa Digital TVright arrow

Internet

High Speed Internet

Seguridad, proteksiyon, at kamangha-manghang bilis na nararapat sa iyo ­– kasama ng built-in na wireless home networking.

Alamin ang marami pa tungkol sa High Speed Internet ng AT&T.right arrow

Voice

Digital Home Phone

Idagdag ang U-verse Voice para lalo pang mas sulit. Higit sa 20 tampok, kabilang ang voicemail at Caller ID na ipinapakita sa iyong U-verse TV screen.

Dagdagan ang nalalaman tungkol sa Digital Home Phoneright arrow

Buuhin ang ultimate U-verse package mo ngayon Tuklasin Ang Mga Bundle Ngayon

Kagamitan ng U-verse Voice

Mayroong ipapadala sa mga customer na kwalipikado sa
pag-install nang mag-isa na isang kit sa pag-install sa kanilang
mga address ng tahanan (mayroong mga singil sa pagpapadala at
pag-aasikaso). Nasa kit sa pagkakabit ang lahat ng kinakailangang impormasyon, kagamitan, at access sa aming madaling sundin na
Online Interactive Assistant na gagabay sa iyo sa proseso ng
pag-install – kung kaya sa loob ng wala pang
30 minuto ay mae-enjoy mo na
ang lahat ng tampok at
benepisyo ng
AT&T U-verse Voice.

Wireless Gateway

Ang Wireless Gateway ng AT&T U-verse ay isang mahusay na aparato na pinagsasama-sama
ang lahat ng iyong serbisyo ng U-verse TV, Internet, at Voice at ipinapamahagi
ang mga ito sa iyong buong tahanan. Maaari mong piliing ikabit ang iyong serbisyo ng U-verse
Voice sa pamamagitan ng:

  • Plug and Play – Ikonekta ang isang telepono nang direkta sa Wireless
    Gateway, na pinagagana ang iisang wall jack na patuloy na gumana.
  • Gumamit ng Mga Dati Nang Phone Jack – Nagbibigay-daan sa paggamit sa lahat ng wall jack sa
    iyong tahanan. Dapat may dati nang phone jack na malapit sa Gateway.

Backup ng Baterya

Gaya ng iba pang serbisyo ng Voice over Internet Protocol ("Voice over IP"
o "VoIP"), ang AT&T U-verse Voice ay nangangailangan ng kuryente sa iyong tahanan para gumana. Depende sa iyong address ng serbisyo, mayroong isasamang isang
Residential Gateway Battery Backup Unit ("BBU") o kaya ay isang iNID Power Supply Unit
("iPSU") sa iyong serbisyong AT&T U-verse Voice.

Telepono

Maaari mong gamitin ang iyong mga pangkaraniwang de-kawad o walang kawad na telepono sa U-verse Voice;
hindi mo kailangang bumili ng isang espesyal na digital phone.

Pag-install ng U-verse Voice

Kwalipikado ka ba para sa Sariling Pag-install ng U-verse Voice?

Kung mayroon ka nang serbisyong U-verse TV o High Speed Internet, nasa iyo na ang kailangan mo para mag-install ang U-verse Voice nang mag-isa. Gayunpaman, kung mayroon kang sinusubaybayang alarm sa bahay o wala ka pang U-verse TV o High Speed Internet, kakailanganin mo ang propesyunal na pag-install ng isang AT&T Technician.

Pagsisimula

Kung kwalipikado ka sa pag-install nang mag-isa, mayroong kit sa pag-install na ipapadala sa address ng iyong tahanan (mayroong singil sa pagpapadala at pag-asikaso). Nasa kit ng pag-install ang lahat ng kinakailangang kagamitan at access sa aming Online Interactive Assistant na may madali at sunud-sunod na tagubilin.

Mga Espesyal na Katipiran

Maaari rin sulitin ng mga customer na pipili sa Self Installation Option ang binawasang presyo kapag bumili ng ilang piling modelo ng AT&T Dect 6.0 Cordless phone kapag nai-order na ang iyong U-verse Voice. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin para sa mga karagdagang detalye at para mag-order sa pamamagitan ng telepono.