U-verse High Speed Internet: Mabilis, Maaasahan, at Konektado

Ano ang U-verse®
High Speed Internet?

U-verse High Speed Internet ay ang serbisyo sa Internet na batay sa IP na hatid ng AT&T. Nagbibigay-daan sa amin ang bagong fiber optic technology na ito na makapag-alok ng mas maraming opsiyon sa bilis, dagdag na pagkamaaasahan, at mas maraming connectivity kaysa sa dati.


Koneksyong iyong maaasahan

Gamit ang aming advanced digital network, nagbibigay ang U-verse High Speed Internet ng maaasahang koneksiyon para mapanatili kang konektado sa lahat ng gusto mo. Para makapag-video chat ka sa mga kaibigan at kapamilya, magtrabaho mula sa home office, o manood lang ng pelikula, nang may ganap na tiwala koneksiyon mo.

Mas maraming paraan sa pagkonekta

U-verse High Speed Internet ay ang serbisyo sa Internet na batay sa IP na hatid ng AT&T. Nagbibigay-daan sa amin ang bagong fiber optic technology na ito na makapag-alok ng mas maraming opsiyon sa bilis, dagdag na pagkamaaasahan, at mas maraming connectivity kaysa sa dati.

Mga Madalas Itanong

Tingnan ang ilan sa mga pinakamadalas itanong tungkol sa serbisyong U-verse.

Ano ang pinagkaiba ng High Speed Internet at serbisyong U-verse High Speed Internet?

Hindi katulad ng serbisyong High Speed Interne, hatid namin ang AT&T U-verse High Speed Internet sa pamamagitan ng aming advanced digital fiber-optic network. Ang serbisyong AT&T U-verse High Speed Internet ay nagbibigay ng mas mabibilis na downstream speed na umaabot ng 45Mbps at mga upstream speed na umaabot ng 1Mbps. Sinasabi ng mga customer ng AT&T U-verse na mas nasisiyahan sila sa pagkamaaasahan ng serbisyo namin sa Internet kung ihahambing sa mga customer ng malalaking serbisyo sa cable.

Ano ang benepisyo sa paggamit sa aking Wireless Gateway upang ma-access ang Internet habang nasa bahay?

Ang paggamit sa Wireless Gateway sa iyong smartphone, tablet, notepad, laptop, at iba pang mga aparato na pang-Internet, ay makatitipid sa paggamit mo ng mobile data plan. Tandaan: Ang paggamit ng Wi-Fi sa tahanan ay ibibilang sa iyong High Speed Internet at AT&T U-verse High Speed Internet data plan. Iiral ang mga karagdagang singil para sa paggamit na hihigit sa iyong data plan.

Mayroon bang babayaran para sa pagpapakabit sa serbisyong AT&T U-verse?

Ganito ang pagsukat sa mga babayaran para sa pag-install ng serbisyong AT&T U-verse:

  • Ang pangkaraniwang propesyunal na pag-install ay $99 kapag magpapakabit ka ng AT&T U-verse High Speed Internet. Kapag iba-bundle mo ang Internet kasama ng U-verse U-family o mas mataas na TV, hindi na sisingilin ang pag-install.
  • Sa maraming pagkakataon, maiiwasan ang mga singil sa pag-install ng U-verse High Speed Internet kung ikaw mismo ang mag-iinstall ng mga serbisyong ito.
  • Sa proseso ng pag-order, kung pipiliin mong ikaw mismo ang mag-iinstall, papadalhan ka ng AT&T ng isang madaling gamitin na Self-Installation Kit na naglalaman sa lahat ng hardware at tagubilin na kakailanganin mo para kaagad na magamit ang serbisyo.
Marami akong wireless device na gagamit sa Internet nang sabay-sabay, maaapektuhan ba nito ang bilis ng aking Internet?

Maaaring mapansin mo na bumabagal kapag gumagamit ka ng maraming wireless na aparato nang sabay-sabay gamit ang isang Wireless Gateway. Kaya, mahalagang pumili ng bilis na makasusuporta sa maraming user. Gamitin ang chart sa paghahambing para makatulong na matukoy ang bilis na nakasasapat sa iyong mga pangangailangan. I-click para tingnan ang AT&T Speed Test at pag-unawa sa mga bilis ng Internet  

Gaano karaming wireless device ang maaaring nakakonekta nang sabay-sabay?

Makapagkakabit ka ng hanggang 10 aparato na binubuo na anumang kumbinasyon ng wired o wireless na mga aparato, halibawa, 4 na wired at 6 na wireless na aparato, 2 wired at 8 wireless, atbp.

Kilalanin ang Pamilya ng U-verse

Ang AT&T U-verse® ay gumagamit ng fiber optic technology at computer networking upang paliitin ang iyong mundo.r.

TV

Advanced Digital TV

100% na digital, may access sa mahigit 225 HD na channel at dumarami pa, dagdag pa ang DVR na nagre-record ng apat na palabas nang sabay-sabay.

Dagdagan ang nalalaman tungkol sa Digital TVright arrow

Internet

High Speed Internet

Seguridad, proteksiyon, at kamangha-manghang bilis na nararapat sa iyo ­– kasama ng built-in na wireless home networking.

Alamin ang marami pa tungkol sa High Speed Internet ng AT&T.right arrow

Voice

Digital Home Phone

Idagdag ang U-verse Voice para lalo pang mas sulit. Higit sa 20 tampok, kabilang ang voicemail at Caller ID na ipinapakita sa iyong U-verse TV screen.

Dagdagan ang nalalaman tungkol sa Digital Home Phoneright arrow

Buuhin ang ultimate U-verse package mo ngayon Tuklasin Ang Mga Bundle Ngayon

Bakit Mahalaga ang Bilis

 

Sa pamamagitan ng mga bilis ng downstream na umaabot ng 45Mbps, siguradong mae-enjoy ang bilis sa AT&T U-verse® High Speed Internet.1 Mag-download ng musika, mag pelikula, at marami pang iba sa loob ng napakaikling panahon nang hindi nagbabayad para sa bilis na labis sa iyong kailangan. At sa pamamagitan ng aming advanced na digital network, makakagamit ka ng koneksiyon na maaasahan mo, habang nakatitipid sa paggamit ng mobile data sa bahay gamit ang aming wireless Gateway.2

Storage at ginhawa

Sa pamamagitan ng AT&T U-verse® High Speed Internet, magkakaroon ka ng access sa mga advanced na tampok, entertainment, email, at marami pang iba:

  • AT&T Mail na mayroong hanggang 11 email account at halos unlimited na storage, POP access, at SpamGuard
  • Ang att.net Toolbar para sa madaling access pabalik sa iyong homepage, email, paghahanap, at mga tool sa suporta ng AT&T
  • Access saanman at kailanman sa buong pambansang AT&T Wi-Fi Hot Spot network3

Kaligtasan at seguridad

Paano mo man ginagamit ang Internet, mahalagang protektahan mo ang iyong sarili, iyong pamilya at iyong computer kapag online ka. Kaya naghahandog ang At&T ng maraming tool at tampok para tulungan kang mag-surf nang mabuti at maprotektahan laban sa mga panganib at istorbo online.

  • AT&T Internet Security Suite na pinapatakbo ng McAfee®4
  • Proteksiyon sa email
  • Mga Kontrol ng Magulang

Kagamitan para sa U-verse High Speed Internet




Ang AT&T Wi-Fi gateway ay ang utak na nagbubuklod-buklod sa lahat ng ito.

Ilalagay ang AT&T Wi-Fi gateway sa iyong tahanan at ihahatid nito ang lahat ng iyong serbisyo ng U-verse, kabilang ang U-verse High Speed Internet. Nagbibigay-daan sa iyo ang mahusay na teknolohiyang ito na:

  • Magbigay ng mabibilis na koneksiyon sa Internet sa maraming computer ng tahanan
  • Gumawa ng ligtas at secure na wireless na networking sa bahay
  • Magkonekta ng mga aparatong Wi-Fi tulad ng mga smartphone at netbook
  • Mag-link sa mga personal na aparato tulad ng mga Wi-Fi camera, network printer, at mass storage drive


Minimum na Hinihingi sa System



Backup ng Baterya

Ang Battery Backup Unit ay nagbibigay-daan sa patuloy na paggana ng iyong mga serbisyo ng U-verse kapag nawalan ng kuryente. Upang matipid ang baterya, inirerekomenda ng AT&T na huwag kang gumamit ng anumang mga serbisyo ng U-verse – maliban sa U-verse® Voice – hanggang sa bumalik ang kuryente. Kapag may bago at ganap na na-charge na backup na baterya, magbibigay ito sa iyo ng humigit-kumulang apat na oras ng backup na power ng baterya.

Propesyunal na pag-install

Ang propesyunal na pag-install sa U-verse High Speed ng AT&T ay may apat na hakbang:

  1. Tatawagan ka ng technician – Magtatagal nang humigit-kumulang apat na oras ang pag-install, depende sa iyong indibidwal na kinakailangang serbisyo, receiver, at wiring. Tatawagan ka ng technician para matiyak na naroroon ka.
  2. Kukumpirmahin ang iyong order – Susuriin at kukumpirmahin ng technician ang pagpipiliang iyong ipinapakabit.
  3. Susubukan ng technician ang compatibility – Bago magsimula ng anumang wiring, magsasagawa ang technician ng mga pagsubok para matiyak na maaaring i-install ang U-verse sa iyong address.
  4. Ikokonekta ang iyong Internet – Makikipagtulungan sa iyo ang technician para ikabit ang iyong AT&T Wi-Fi gateway sa pinakamainam na lokasyon para matiyak ang pinakamabilis na koneksiyon na posible.

Tapos na ang pag-install! Gamitin lang ang application ng U-verse High Speed Internet Service Setup para i-configure ang iyong serbisyo sa Internet, at makakapag-online ka na sa loob ng ilang sandali.

Do-it-yourself na pag-install

Makatipid sa oras at pera sa pamamagitan ng madali at do-it-yourself na pag-install. Magpapadala kami sa iyo ng isang self-install kit na may mga madaling sunding tagubilin sa kung paano ikonekta ang iyong kagamitan para sa U-verse High Speed Internet sa iyong computer o aparato at iparehistro ang iyong account.*