U-verse TV: I-enjoy ang pinakamagandang karanasan sa Digital TV

 

Tuklasin ang TV na walang hangganan

Nagbibigay ang AT&T U-verse® TV ng napakalinaw na digital na video at tunog, at dahil mayroong mahigit 560 channel na puno ng mga paborito ng pamilya, pelikula at sports, may TV package para sa lahat!

Tingnan ang lista ng mga channel >

Mayroon din fiber optic technology ang aming advanced na network, kaya gumagana ang iyong TV sa iba pang mga serbisyo tulad ng mabilis na Internet at digital na telepono sa bahay para makapaghatid ng mga interactive na tampok na nagpapaganda sa iyong karanasan sa entertainment.

Bakit U-verse TV ang dapat piliin?

Hatid ng U-verse TV ang karanasan sa entertainment na talaga namang mas maganda.

Mas Magagandang Tampok

  • Mag-record ng 4 na palabas nang sabay-sabay gamit ang Total Home DVR® na nagbibigay-daan sa iyo na i-playback ang mga ito sa anumang silid1
  • Mag-pause at mag-rewind ng live TV
  • I-pause ang nai-record mong palabas sa isang silid at ituloy ito sa isa pa.

Mas Magagandang Tampok

  • May access sa mahigit 225 HD na channel at dumarami pa2
  • De-kalidad na video, na may 100% digital na video at tunog
  • Sa U-verse Movies, mae-enjoy mo ang madaling access sa pinakabagong patok mula sa Hollywood sa HD

Mas Magandang Karanasan

  • Manood ng TV kung saan mo gusto sa iyong bahay gamit ang Wireless Receiver3
  • Panoorin kung ano ang Pinapalabas Ngayon o On Demand sa halos kahit saan sa iyong computer, smartphone, at tablet
  • Gumamit ng mga app na nagbibigay-daan sa iyo na magbahagi ng mga larawan, musika at marami pang iba mula sa iyong mobile na aparato patungo sa iyong TV4
  • Alamin ang pinagkaiba gamit ang isang madaling gamiting gabay sa iyong TV o anumang device

Mga Madalas Itanong

Tingnan ang ilan sa mga pinakamadalas itanong tungkol sa serbisyong U-verse.

Ano ang Total Home DVR®?

Ang Total Home DVR ay isang digital video recorder para sa iyong buong tahanan na kasama sa karamihan ng mga package. Magagawa mo ang mga sumusunod gamit ang Total Home DVR:
• Mag-record ng hanggang apat na palabas nang sabay-sabay sa iisang DVR.
• Mag-record at mag-playback ng iyong mga palabas sa anumang silid mula sa iisang DVR.
• Mag-pause, mag-fast forward, at mag-rewind ng mga nai-record na palabas sa anumang TV sa iyong bahay.
• I-pause ang iyong nai-record na palabas sa isang silid at ituloy ito sa iba pa.
• I-play ang mga parehong nai-record na palabas sa iba't-ibang TV nang sabay-sabay at hiwa-hiwalay na kontrolin ang mga ito.
• Mag-imbak ng hanggang 422 oras ng SD o 155 oras ng HD na nilalaman gamit ang aming DVR na mas malaki ang kapasidad – kasama sa mga AT&T U-verse U300 at U450 TV package.
• I-program ang iyong DVR nang malayuan mula sa iyong computer o mobile phone.

Maaari ba akong gumamit ng mga U-verse receiver sa mga mas lumang analog TV?

Oo, maaari kang gumamit ng isang analog TV sa AT&T U-verse TV. Ikonekta ito gamit ang isang coaxial cable sa halip na mga S-video o component cable.

Makakapag-record ba ako ng isang istasyon at manood ng ibang istasyon sa TV na may DVR?

Oo, magagawa mong mag-record ng isang palabas at manood ng isa pa sa anumang TV na nakakonekta sa U-verse sa iyong tahanan, kabilang ang TV na may Total Home DVR.

Ilang programa ang maaaring i-record ng DVR sa bawat pagkakataon?

Ang isang Total Home DVR ay maaaring mag-record ng apat na programa sa bawat pagkakataon.

Kilalanin ang Pamilya ng U-verse

Ang AT&T U-verse® ay gumagamit ng fiber optic technology at computer networking upang paliitin ang iyong mundo.

TV

Advanced Digital TV

100% digital, may access sa mahigit 225 HD na channel4 at dumarami pa, at mayroon pang DVR na nagre-record ng apat na palabas nang sabay-sabay.

Alamin pa ang tungkol sa Digital TV

Internet

High Speed Internet

Nagbibigay ng seguridad, proteksiyon, at kamangha-manghang bilis na nararapat sa iyo, kasama ang built-in na wireless home networking.

Alamin ang marami pa tungkol sa High Speed Internet ng AT&T.

Voice

Digital Home Phone

Idagdag ang U-verse Voice para lalo pang mas sulit. Higit sa 20 tampok, kabilang ang voicemail at Caller ID na ipinapakita sa iyong U-verse TV screen.

Alamin pa ang tungkol sa Digital Home Phone

Buuhin ang ultimate U-verse package mo ngayon Tuklasin Ang Mga Bundle Ngayon

Isang TV lineup para sa lahat

I-enjoy ang isang de-kalidad na palabas na may Total Home DVR®, Multiview na pagba-browse ng channel, piling On Demand programming, at access sa higit 225 HD channel at dumarami pa!

U450

May Mahigit
550
CHANNEL

  • Total Home DVR® na may mas malaking kapasidad at HD Tech Fee
  • Lahat nasa U300 Package
  • At saka HBO® at Cinemax® package, The Sports Package
  • Ang HD Tech Fee, na kasalukuyang nagbibigay ng access sa mahigit 190 HD na channel

U300

May Mahigit
470
channel

  • Total Home DVR® na may mas malaking kapasidad
  • Lahat nasa U200 Package
  • Dagdag Pa Ang Movie Package – STARZ®, ENCORE®, SHOWTIME®, THE MOVIE CHANNEL®, FLIX®

U200

May Mahigit
360
channel

  • Total Home DVR®
  • May mahigit 310 sa pinakamagagandang digital na channel para sa pangkalahatang entertainment.
  • Kasama ang karamihan ng mga channel na nasa U- family package
  • Dagdag pa ang mga network ng masinsinang balita, mga kapana-panabik na sports channel
  • 46 na digital na Music Choice channel

U-family

May Mahigit
200
channel

  • Total Home DVR®
  • Ang pinakamagandang mga pampamilyang channel, kabilang ang mga sikat na palatuntunang pambata, mga channel sa karunungan at mga network sa pamumuhay
  • 38 na digital na Music Choice channel na sumasaklaw sa maraming genre.

U-basic

 

KASAMA ANG MGA LOKAL NA CHANNEL

  • Kumuha ng mga lokal na channel at channel ng impormasyon ng U-verse sa pinakamurang presyo ng U-verse TV at may bayarin sa pag-install.

Premium na programming

Ipalabas ang mga pinakatanyag na pangalan sa iyong TV sa pamamagitan ng premium na programming mula sa U-verse.

HBO®

  • Kasama sa U450.
  • Hanggang sa 28 channel ng mga premyadong orihinal na pelikula, espesyal na palabas, sports, at series, at HD ang 14 sa mga ito.
  • Libreng access sa HBO On Demand® at HBO GO® kasama ng subscription.1

Cinemax®

  • Kasama sa U450.
  • Hanggang 24 na channel ng mga eksklusibong premier mula sa Hollywood, palabas na nangunguna sa box office, at HD ang 12 sa mga ito.>
  • Libreng access sa Cinemax On Demand® at MAX GO® kasama ng subscription.1

SHOWTIME®

  • Kasama sa U450 at U300.
  • SHOWTIME UNLIMITED®. Hanggang 31 channel mula sa SHOWTIME®, THE MOVIE CHANNEL™ at FLIX®, kabilang ang mga eksklusibong patok na pelikula mula sa Hollywood, premyadong orihinal na serye, dokumentaryo, SHOWTIME SPORTS® at marami pang iba.

STARZ®

  • Kasama sa U450 at U300.
  • Hanggang 16 na channel na nagtatampok ng mahigit 700 pelikula at serye bawat buwan, at libreng STARZ® On Demand at STARZ® Play kasama ng subscription.

ENCORE®

  • Kasama sa U450 at U300.
  • Palaging nagpapalabas sa hanggang 15 channel ng mga paborito mong pelikula mula sa dekada '80, '90, at sa kasalukuyan sa ENCORE® at may libreng ENCORE® On Demand at ENCORE® Play kasama ng subscription.2

The Movie Package

  • Kasama sa U450 at U300.
  • Hanggang 55 channel, isang kumbinasyon ng mga paborito mong TV package: STARZ®, ENCORE®, SHOWTIME®, THE MOVIE CHANNEL™, at marami pang iba.

HD

  • HD Premium Tier
  • Sulitin ang iyong karanasan sa HD gamit ang mas marami pang HD na pampelikulang channel tulad ng Sony Movie Channel at MGM HD, mas marami pang pangrehiyon at specialty network ng sports tulad ng NFL RedZone, at mas marami pang entertainment channel tulad ng Palladia HD, at ang lahat ng ito ay nagkakahalagang $7.00/buwan lang.

EPIX

  • Wala nang mas mahusay pa sa entertainment kaysa sa EPIX® -- malalaking pelikula, malalaking concert, bonggang katatawanan at marami pang iba.

Sports Package

  • Kasama sa U450.
  • May mahigit 20 channel na nagbibigay sa iyo ng iba't-ibang kapana-panabik na sports programming.3
  • Idagdag ang ESPN FULL COURT, ESPN Game Plan, NBA LEAGUE PASS, at marami pang iba para magkaroon ng pinakamagandang karanasan sa sports!4

Pang-internasyonal Package

  • May mahigit 25 internasyonal na channel (hindi Spanish).
  • Spanish, Filipino, South Asian, Italian, French, Japanese, at marami pang iba!

U-verse On Demand

Manood ng libu-libong pelikula at palabas sa TV sa HD o SD sa anumang nakakonektang U-verse TV sa iyong tahanan.

  • U-verse Movies
    Magrenta ng mga bagong labas, kasabay ng DVD, at iba pang mga palabas.5
  • Mga libreng palabas na On Demand
    Manood ng mga pelikula at patok na palabas sa TV nang libre batay sa iyong subscription package.5
  • Premyadong On Demand
    Manood ng mga patok na palabas sa TV mula sa HBO® at iba pang mga premium provider batay sa iyong subscription package.5
  • U-verse Screen Pack
    Kulang pa ba ito? Mag-subscribe sa U-verse Screen Pack at magkaroon ng instant at walang limitasyong access sa isang malaking koleksiyon ng mga patok na pelikula sa bahay at saanman sa halagang $5 lang isang buwan!6

Ang ultimate na karanasan sa panonood ng TV

Total Home DVR®

 

Panoorin ang lahat ng gusto mong palabas kailanman at sa paraang gusto mo.
Mag-record ng hanggang apat na palabas nang sabay-sabay at i-playback ang mga ito sa anumang TV sa
iyong bahay na may U-verse receiver. At kapag nagkonekta ka ng AT&T U-verse Wireless Receiver sa isang TV, magagawa mong
manood halos kahit saan. Wala nang mas gaganda pa rito.

 

MGA HD CHANNEL

Mahigit 225 at dumarami pa2

Nagbibigay ang U-verse HD technology ng maraming pagpipiliang HD na channel na may 100% digital na video at tunog. Nagtatampok din ang U-verse TV ng mahusay na hanay ng mga channel at madaling access sa pinakabagong patok mula sa Hollywood sa HD sa pamamagitan ng U-verse Movies.

MGA PROGRAMA

Hanapin ang mga paborito mo

Madali lang ang paghahanap sa mga paborito mong palabas gamit ang on-screen na gabay sa programa. Nagbibigay ito sa iyo ng isang madaling paraan para makita ang programming para sa 14 na araw. Nagbibigay-daan sa iyo ang picture-in-picture na pagba-browse ng channel ng U-verse na manood ng isang programa habang tumitingin sa iba pang mga channel para maghanap ng isa pa. At siyempre ay makakapag-setup ka ng mga shortcut ng channel para i-filter ang mga ipinapakitang channel sa mga kategoryang iyong pipiliin.

I-install ang U-verse app sa paborito mong aparato at magagawa mong panoorin kung ano ang Pinapalabas Ngayon o nasa On Demand, i-browse ang gabay sa TV, at pamahalaan ang iyong katalog ng DVR mula halos kahit saan.

MY MULTIVIEW

Sumubaybay sa maraming palabas

Kung gusto mong sumubaybay sa maraming palabas nang sabay-sabay, nagbibigay-daan sa iyo ang My Multiview na manood ng isang palabas sa pangunahing screen at sumubaybay ng tatlong iba pa sa gilid ng screen.3

Maaari mong lalo pang i-personalize ang iyong karanasan sa panonood sa pamamagitan ng pagpili sa tatlong magkakaibang palabas na ilalagay sa mga nakatakda nang kategorya tulad ng Pambata, Balita, o Sports.

INTERACTIVITY

Palaging marami pang entertainment

  • Alamin ang tunay na entertainment sa pamamagitan ng mga interactive na application4 tulad ng Sting Ray, Karaoke TV, at kahit na Facebook® sa TV.
  • Gamitin ang iyong mobile na aparato para kontrolin ang mga nakakonekta mong U-verse TV receiver, mga pelikula, at mga paborito mong naka-record na palabas.
  • Mag-enjoy sa mga espesyal na kaganapan buong taon sa pamamagitan ng mga pana-panahong app.
  • Silipin ang mga U-verse game at tuklasin ang bago mong paborito.

Kagamitan ng U-verse TV

Mga receiver ng U-verse

Ang Total Home DVR® receiver ay ang pangunahing bahagi ng iyong system at kasama ito sa iyong serbisyong U-verse.

Pumunta sa mga U-verse receiver

Mga remote ng U-verse

Magkontrol gamit ang kasamang pangkaraniwang o mag-upgrade sa Point Anywhere RF Remote.

Pumunta sa mga U-verse remote

Wireless Gateway

Gumamit ng Wi-Fi para ipamahagi ang mga serbisyo ng U-verse TV, High Speed Internet, at digital home phone sa buo mong tahanan.

Pumunta sa Wireless Gateway

file

Receiver ng Total Home DVR

Panoorin ang lahat ng gusto mong palabas kailanman at sa paraang gusto mo. Mag-record ng hanggang apat na palabas nang sabay-sabay at i-play back ang mga ito sa alinmang TV sa iyong tahanan na may U-verse receiver. At kapag nagkonekta ka ng AT&T U-verse Wireless Receiver sa isang TV, magagawa mong manood halos kahit saan. Wala nang mas gaganda pa rito.

Wireless Receiver

Wireless na receiver

I-enjoy ang TV halos kahit saan sa loob ng iyong tahanan gamit ang Wireless2 mula sa AT&T U-verse.

  • Kakayahang iayon sa disenyo ng silid mo para umakma sa estilo mo o ilipat ang TV mo para sa mga espesyal nakaganapan. Ngayon ay saksakan na lang ang kailangan ng iyong wireless receiver at TV.
  • Tutulungan ka ng indicator ng lakas ng wireless signal na ipwesto ang receiver para sa pinakamahusay na pagganap.
  • Nagkakaloob ng functionality tulad ng pangkaraniwang receiver, kabilang ang Total Home DVR, U-verse Movies, at Pay-Per-View.
Pangkaraniwang Receiver

Pangkaraniwang receiver

Nagbibigay-daan sa iyo ang aming pangkaraniwang may wire na receiver na gamitin ang mga dati nang may wire na koneksiyon.

  • Mag-stream ng live HD at standard definition na programming.
  • Access sa U-verse Movies, Channel Guide, Pay-Per-View, Total Home DVR Menu, at mga app ng U-verse.3

Mga remote ng U-verse

Gamit ang mga remote ng U-verse, ikaw ang may kontrol sa iyong karanasan sa U-verse. Kung gusto mong mag-upgrade sa mas mahusay na remote, maaari mong tingnan ang aming listahan ng mga remote sa TV at mag-order kapag nakita mo na ang bagay sa iyo.

Mga remote ng U-verse

Point Anywhere RF Remote

Point Anywhere RF Remote

Ang advanced na Point Anywhere RF Remote Control ng AT&T U-verse TV ay magagamit nang mas malayo, mas madaling gamitin, at mas madaling itutok kaysa sa mga pangkaraniwang infrared remote.

  • Hindi na kailangang direktang itutok sa receiver.
  • Isang ganap na nababagong remote na natututo mula sa apat na iba pang mga remote ng aparato at pinapalitan ang mga ito.
  • $59 lang
Pangkaraniwang Remote

Pangkaraniwang Remote

Ang remote na ito, na kabilang sa iyong pagpapakabit ng U-verse, ay nagbibigay ng instant na access gamit ang iisang button sa Gabay sa Programa, On Demand, at mga recording ng DVR

  • Madaling gamitin dahil mayroong backlight para gumana nang maayos sa madidilim na lugar.
  • Gamitin ang universal infrared para magkontrol ng hanggang tatlong karagdagang device, tulad ng iyong TV, DVD player, o Home Theater.

Wireless Gateway

Ang Wireless Gateway ng AT&T U-verse ay isang mahusay na aparato na pinagsasama-sama ang lahat ng iyong serbisyo ng U-verse TV, Internet, at Digital Voices at ipinapamahagi ang mga ito sa iyong buong tahanan.

  • Madaling gamiting wireless na mabilis na access sa Internet para sa mga aparato mo na nakakagamit ng Wi-Fi habang halos inaalis ang mga dead spot ng wireless.
  • Makakuha ng naka-personalize na impormasyon sa lagay ng panahon, sports, at stock habang nanonood ka ng TV.
  • Magbahagi ng mga larawan o mag-stream ng musika.
  • Tumawag gamit ang iyong U-verse remote.

Internasyonal na Programming

Kailangang mag-subscribe ng mga customer sa isang U-verse programming package. Maaaring ipakabit kasabay ng ibang package na may karagdagang buwanang bayad. Para makakita ng isang programming package ng U-verse, mangyaring pumunta sa pahina ng U-verse TV.

Tagalog TV Package
GMAPinoy
TFC
Mga Indibidwal na Channel
GMAPinoy
Ang GMA Pinoy TV ay isang 24 oras na international channel na dinesenyo para sa lahat ng Pilipinong nasa ibayong dagat. Ipapalabas ng himpilan ang lahat ng paborito mong nangungunang palatuntunan ng GMA na nagbigay sa GMA Network ng rating nitong Numero Uno sa Mega Manila (AGB at Nielsen, simula 2004). Higit pa roon, ang mga programa ng GMA Pinoy TV ay hindi lamang makabago, malikhain, at mapanimula kundi ay ginawaran pa ng pagkilala, kapwa mula sa Pilipinas at sa ibang bansa.
TFC
Ang TFC (The Filipino Channel) ay serbisyong hatid ng ABS-CBN, ang dominanteng brodkaster, producer ng mga palatuntunan at cable operator sa Pilipinas. Pinananatili ng TFC ang mga manonood na napapanahon sa mga kasalukuyang kaganapan sa Pilipinas at sa mga balitang artista sa buong mundo. Kabilang sa programming nito ang mga paghahatid ng balita sa buong araw, pangkalahatang entertainment, mga kapana-panabik na game show, at mga tanyag na programang drama at pambata.